Pagka-graduate ko ng High.school,alam kong masaya dahil naka-graduate ako,pero malungkot dahil magkakahiwalay na kami ng mga kaibigan ko ng papasukan.Kaya nang pagka-enrol ko ng College alam kong panibagong pagsubok ito.Pero hindi naman sobrang nakakatakot ang pagtungtung sa College dahil alam kong pagkatapos nito ay may patutunguhan naman ang aking pag-aaralng mabuti.
Nang magsimula na ang Orientation at pasukan,hinanda ko na ang aking sarili.Kaya noong first day ng pasukan ay parang high.school lang na magpapakilala sa loobng klase,pagkatapos noon ay iyong prof.naman iyong magpapakilala at ipapaliwanag sa amin kung paano computin iyong grades naminng mga mag-aaral.Pagkatapos ng first day ay nagsimula na ang pagtuturo ng mga professor namin.At madami naman akong natutunan.Marami din akong naging mga kaibigan,pero ibang-iba ang klase ng mga kaibigan ko sa high.school at sa College na mga kaibigan ko.Totoo talagang ibang-iba din ang klase ng pagtuturo sa College,mas mahirap ang lectures sa College kaysa sa High.school.Pero mas natututukan ang mga studyante sa College at para sa akin mas magaling ang mga prof.sa College dahil mabilis agad ako natututo sa lectures namin.Para sa akin mas kailangan seryosohin ang pag-aaral ko ngayon dahil hindi madaling makakuha ng mataas na mataas na grades sa lahat ng subjects,kaya pinagbuutihan ko ang aking pag-aaral,lalo na dahil College na ako.Masaya din ang College Life kahit masyadong tutok sa pag-aaral,dahil nagsasama-sama din naman kami ng mga kaibigan ko o mga classmates ko kapag wala pang-prof.Kaya ine-enjoy namin ang pagiging College.
Sa madaling salita mas masaya pa rin talaga ang High.school Life kaysa sa College Life.Pero madami naman akong natututunan sa aking pag-aaral sa College at nalaman ko na kinakailangan talagang may pera ka para makapag-xerox ng iba pang lectures na makakapal.At maging aktibo sa klase,huwag na huwag aabsent apang hindi ma-drop.Natutunan ko din na maipasa sa tamang date ang mga requirments at mga projects upang magkaroon ng karagdagang puntos sa grades para hindi bumaba iyong grades sa bawat sujects.Dahil mahahalaga ang bawat pinapasa sa mga prof.namin.
Ito ang aking na-experiece sa pagtungtung ko sa College at mga natutunan ko sa aking mga prof.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment